home run (hóm ran) 1: sa beysbol at katulad, pagtama sa bo-la na nagpapahintulot sa batter upang makaikot sa apat na base at maka-puntos 2: puntos na naitalâ sa gayong paraan.
run (ran) 1: pagtakbo 2: maikling biyahe o ekskursiyon, lalo na upang maglibang 3: distansiyang nilakbay 4: tendensiya ng pag-unlad o paggalaw 5: mabilis na mosyon o paggalaw 6: a walang patid at maha-bàng serye b pagkakasunod-sunod, lalo na ng mga baraha sa isang mang-hal 7: bílang na nalikha sa isang yug-to ng produksiyon 8: pangkarani-wang uri 9: a sa cricket, puntos ng batsman na nakapuntos b sa beys-bol, puntos ng batter pagkaraang ma-kabalik sa plate at makaraan sa lahat ng base
home (hom) 1: tahánan1 2: báhay1 3: institusyon na nangangala-ga sa mga táong nangangailangan 4: pook na pinagmulan ng isang bagay 5: pook na pinagtatapusan ng isang paligsahan o karera.
dry run (dráy•ran) : pagsasá-nay, drill, o sesyon ng ehersisyo bílang paghahanda sa pagtatanghal, seremonya, at katulad
home plate (hom pleyt) : sa beysbol at ibang laro, isang sapád at may limang panig na bagay, sa gi-lid nitó tumatayô ang batter, sa iba-baw nitó pinararaan ang bola na ipi-nupukol ng pitcher, at tinatapakan ito ng runner para makaiskor
hit and run (hit end ran) 1: hindi paghinto ng drayber matapos makasagasa o makabangga 2: sa larong beysbol, pagtakbo ng run-ner hábang pinagsisikapan ng batter na patamaan ang bola.